Unconventional drama: "ACTION!"

Pwede bang magdrama? Kahit ngayon lang. Legal naman siguro ito, hindi ba? Wala pa naman akong naririnig na nakulong dahil nag-decide lang siyang mag-emote ng isang gabi.

Isang gabi lang naman ng pag-eemote. Sana pagbigyan lang ako ng mundo na magdrama. Lagi na lang kasi akong nakikinig sa mga drama ng ibang tao eh. Hindi naman sa nagrereklamo ako... it's not that. It's just that I am also human at may mga times talaga na uhaw ako sa pakikinig at pag-iintindi ng mga tao sa mga drama ko. Yup! Tama po. May mga drama din ako sa buhay gaya ng iba. Hindi ko nga lang maipaliwanag, pero meron din po. Tao rin naman ako. Nag-iinarte.

Kung subukan ko kasing i-explain pa, feeling ko waste of time lang naman. Wala rin kasing makaka-intindi eh. I'm not being all emotional here, thinking that nobody understands me. C'mon! Gasgas na ang linyang ito. Ang sinasabi ko lang, I guess no one could really ever understand me kasi hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang nangyayari sa akin.

Siguro, napuno lang ako. Maaaring kasalanan ko rin naman ito. I've allowed myself to be a sponge for my loved ones... allowing myself to absorb all the sadness and all the pain. Hindi naman sa pagiging affected. Iba naman po 'yon. Sa akin lang naman, absorbing is very different from being affected. Yung latter kasi, masyado lang nagpapaapekto sa mga ibang tao. Pero ako kasi... gusto kong inaabsorb yung negativity. Ginugusto kong alisin ang anumang lungot o sakit sa mga mahal ko, o kahit sa mga taong nakakausap ko. Kaya siguro hindi ako naging isang guidance counselor... marahil, araw-araw akong umiiyak para sa ibang tao.

Nasanay akong maging malakas para sa iba, at madalas, nalilimutan ko na ang sarili ko. Alam niyo, mahal ko naman ang sarili ko eh. Sa mga pagtulong ko, may nakukuha rin naman akong satisfaction for myself. Ito marahil ang paraan ko para busugin ang sarili ko... busugin ang kaluluwa ko. Dahil mahal ko ang mga tao sa paligid ko, sapat na sa akin 'yon.

Ang gulo ko ba? Sorry ha. Hindi ko naman dine-deny na magulo talaga ang pananaw ko. Actually, magulo talaga akong tao. Ewan ko ba... nababaliw na ata talaga ako. Teka, oo nga pala, matagal na akong baliw! Haha. Kidding aside? Lahat naman tayo may sariling topak. Respeto na lang sana, at kanya- kanyang trip lang.

Oo nga pala, how ironic can I get?! Nagdadrama ako ngayon, samantalang "no more drama" ang motto ko - ginawa ko pang subtitle ng blog ko. Oh well, sabi ko nga sa intro ko... Isang gabi lang naman. Ngayon lang, please?

Hay, tama na nga!

"Cut na, direk?"

0 Response to "Unconventional drama: "ACTION!""