VIA: Very Ignorant Animal

DISCLAIMER:
Ilang beses ko rin pinag-isipan kung isusulat ko ito sa English o sa Filipino. Sinabi ko sa sarili ko, “Eh ano ngayon? Basta maiintindihan ako ng taong gusto kong makabasa nito.” Kaya ngayon pa lang, gusto ko na mag-sorry sa mga taong very particular sa language o wika ng isang article. For those who can’t understand Filipino, I suggest you have someone interpret this for you… that is, if you even give a damn.

DISCLAIMER PART 2:
Ang mga characters ay hindi necessarily existing. Hindi rin naman sila completely fiction. Kaya kung may matamaan man, bato-bato sa langit. At kung deadma ang ilan, mahiya ka naman. Don’t overreact, guys. Katuwaan lamang po ito.



VIA: Very Ignorant Animal
A Testimonial

I was born in the 80s. Kabilang ako sa libo o milyong mga batang binansagan nilang, EDSA babies. Pero ang article na ito ay hindi tungkol sa akin. Nasabi ko lang para alam ninyo kung ano na ang age ko ngayon, kung sakali mang abutin ng ilang taon o dekada ang buhay ng manuscript na ito. Para itong isang testimony about this girl I met.

Ang write-up nga na ito ay tungkol sa isang taong nakilala ko a few years back. Para na rin sa kapakanan niya, papalitan ko na lang ang pangalan niya. Itago na lang natin siya sa pangalang, Via. Dapat ay KAVI ang ipapalayaw natin sa kanya. KAVI, isang pangalan para sa lalaki na ang ibig sabihin ay “wise man, sage, o poet” in Sanskrit. Pero dahil babae siya, I’ve decided to rearrange the letters instead, omit some letters or just one, thus the name: VIA. Pasintabi lang po sa mga babeng (o binabaeng) Via ang pangalan… o sa mga may kilalang Via ang name. I come in peace po. Mamaya, malalaman ninyo kung bakit ito ang pinili kong alias niya.

Si Via ay isang college student nang makilala ko siya. Typical student na nagsusuot ng uniform, sumasakay ng jeep, may nakasabit na bag sa kaliwang balikat at bitbit ang ilang libro at binder sa kanang braso. Mahaba ang kanyang buhok noon – minsan nakaayos, minsan nakalugay. Akala niya siguro “hot” tignan kung nakalugay. Pero sa totoo lang, gusto mo siyang pahabulin sa suklay. Tama lang naman ang hitsura niya – not too short, not too tall, not too skinny, not too stout. Typical nga eh, pero minsan I ask myself, “bakit kaya feeling niya maganda siya?”


THE CLOSE ENCOUNTER

Nakatitig ako sa isang lumang bulletin board sa gym. Iniisip ko kasi kung paano ko bubuhayin ang isang plain sight. Masyadong dull, I told myself. Then she approached me na parang isang bula. Tila gusto niya akong tulungan sa decoration na aking pinaplano. Ngumiti lang ako sa kanya. Akala ko kasi noong time na ‘yon, matinong tao ito kahit na may hesitation and doubts ako sa unang engkuwentro naming... Nang tumagal, isa pala siyang, FC. Feeling Close. Simula noon sinabi ko na sa sarili ko, ayaw ko sa kanya.


MIRROR: A REFLECTION

Ngayon, mas malinaw na sa akin ang lahat kung bakit ayaw ko sa kanya. Simple lang naman. Galit ako sa mga taong social climber. Galit ako sa mga taong mataas ang tingin sa sarili, kahit na wala naman talaga silang binatbat. Galit ako sa mga taong akala nila’y magaling sila, pero hindi. Galit ako sa mga taong nagpapanggap na articulate, pero sa totoo lang, mas mabuti pang ‘wag na lang silang magsalita. At lalong galit ako sa mga taong mahilg mag-english na hindi naman keri. Siguro iniisip ninyo na ang yabang ko naman. Lahat naman tayo nagkakamali. Oo alam ko ‘yon. Pero iba kasi yung sablay ka nga, hindi mo pa inaamin, ipinagmamalaki mo pa sa mundo. Nakakaawa, pero nakakainis. Ito ang mga taong gaya ni Via na hindi marunong tumungin sa salamin. Hindi nila nakikita ang kanilang mga pagkakamali at kakulangan. Kaya pala feeling niya hot siya nang nakalugay ang mahaba niyang hair. Hindi po ate, hindi po talaga.


VIA AND ROMY

Minsan na siyang naging malapit sa best friend ko. Apparently, bukod sa pagiging isang ilusyonada, isa rin pala siyang linta. Dikit kasi ng dikit. At ang kawawang best friend ko, bilang isang lalaki, naakit naman ang loko. Itago natin sa pangalang Romy… as in Romy Diaz. Dahil.. wala lang. naisip ko lang.

Matagal ko nang kilala si Romy. May pitong taon na ata? At kahinaan talaga niya ang sweetness ng isang babae. Kung naging malandi lang ako, matagal ko na sigurong naakit itong si Romy. Pero ibang klase itong si linta… este, Via pala. During that time, may nobyo ang gaga. (Oo, may pumatol, drugs ang sinisisi ko. Joke lang.) Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Romy sa kanya bukod sa porsha’t bogelia niyang nakaratay sa mga mata ni Romy. Mahal nga daw niya. Maniwala ako. “She’s driving me crazy,” wika ni Romy. Talaga nga namang mababaliw ka sa kanya. Ni hindi mo nga maintindihan minsan kung anong sinasabi niya. Madalas sa mga chat at text nila, nag-e English si Via. Si Romy naman, alam naman niyang mali-mali ang grammar ng iniirog niya, wala pa rin siyang care. Tsk tsk tsk. Love is blind nga naman. Pero dito ko lang napatunayan na Love is also deaf and mute. Tama rin pala ang grupong Salbakuta nang ipinagsigawan nila sa buong Pilipinas na tanga ang pag-ibig. Stupid Love!

Isang madaling araw sa McDo, sinabi sa akin ni Romy habang kumakain kami ng Sausage McMuffin, “I’m over her!” At ang nasabi ko na lang ay, I doubted, ika ni Via [na ang ibig talagang sabihin ay ‘I doubt it’] Ang sabi ni best friend Romy tapos na daw talaga ‘yon. Naku po! After a few days o weeks pa ata, nang magkita na naman kami sa McDo, inamin ng loko na hindi pa siya over dito. Mabuti na lang hindi ko naluwa ang Longganisang nginunguya ko. May mga inamin si Romy at tama nga ako. Isang full-pledged linta si gaga. Ang sabi ko naman, tara, inom lang ang katapat niyan. Sky to limit! [Isa na namang classic Via statement na ang ibig talaga niyang sabihin ay ‘sky’s the limit’]

Tumagal din ng one year, more or less ang kabaliwang ito. Mabuti na lang, natigil din. Nagising na ang kaibigan ko. Siguro binalikan ni Romy magbasa ng dictionary o dinalaw siya sa panaginip ng mga SV Agreement [Subject-Verb Agreement]. Thank heavens!


AND I THOUGHT THAT WAS THE END OF IT

Natapos na rin sa wakas ang lovesick moments ng kaibigan ko. Time to move on, ika nga. Pero hindi lang talaga ako maka-move on sa mga natutuklasan ko tungkol kay Via. Nakakalat ang mga friendster at blogs ang kanyang mga “obra” kung tawagin niya. I can’t help but read Via’s entries. It was so bad napapamura na lang ako, if not laugh at it till tears fill my eyes. Sakit sa headache ang mga entries niya. I swear, gusto ko na talaga siya regaluhan ng dictionary… o kaya bigyan ng scholarship para makapag-enroll ulit siya ng grade 1 for refresher grammar shit. Baka sakaling mag-improve ang drama ng lola mo. Ang sama na siguro ng tingin ninyo sa akin. But take it from me, subukan niyo lang basahin, baka mapanginti pa kayo.

Di naglaon, pati facebook ay na-invade na niya. Subukan man niyang i-correct ang mga entries niya… pucha, mali pa rin. Kawawa naman ang mga teachers niya noon. Sorry po mga Sir at Ma’am, mukhang may naipasa kayong student na sapilitan lang, tama po ba?

At kaya ko nga po ito naisulat mga kaibigan. Dahil bumalik sa aking ala-ala na may nakilala pala akong Via noon. Kung tutuusin, kawawa si Via. Dahil nagiging pugad ng laugh trip ang kanyang mga web pages. Naisip ko lang, may nagsasabi kaya sa kanya ng katotohanan? May naglalakas o maglalakas loob kaya na magsabi sa kanya na tumingin na muna sa salamin?

Siguro naman, by now, gets niyo na kung bakit ko pinili ang alias para sa kanya. Isa kasi siyang makata sa sarili niyang mundo. May sarili atang English book o Grammar book ang lola mo. Nananalo siya sa sarili niyang Spelling Bee at may sariling dictionary. Viationary, patay tayo diyan!


PARA KAY VIA AT SA MGA NAKAKAKILALA SA KANYA

Kung totoo ka man at mabasa mo ito. Please lang. Shut up if you can’t express it properly. Or better yet… Magtagalog ka na lang. Nasa Pilipinas naman tayo, maiintindihan ka rin ng kapwa mo Pinoy. Hindi yung parang you’re tryingso hard to sound smart, hindi mo naman kaya. Peace out!



Sorry feeling ko bitin. Nabitin rin ako sa pagsusulat ko eh. Pero kasi, na-realize ko na tama na itong mga naisulat ko. Siguro naman I've made my point. Uulitin ko lang. Bato-bato sa langit, ang tamaan.... hindi ka kasi tumitingin eh!